"Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Lahat kasi ng aspeto ng trabaho nakaasa sa'yo. Ikaw ang boss at ikaw din ang tauhan. Alam nila pareho kung natulog lang maghapon ang isa't-isa, pag nag-AWOL ang boss at nagdesisyong mag mental bungee jumping, automatic na on-leave din ang tauhan. Tigil ang produksyon.
Hindi para sa tamad and pagsusulat. Hindi mo maloloko ang time card ng opisina. Hindi ka mareregular. Walang promotion. Walang 13th month. Walang bonus. NO work, no pay. Walang half-day, walang holiday. Walang overtime pay. Wala man lang perks o company give away. Walang Christmas Party. Walang outing. Wala kang trabaho. Wala ka man lang nasabihang bad trip ka kay boss bukod sa kamay mong drinowingan mo ng mukha.
Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Buong kumpanya nakaasa sa'yo. Wala kang ibang paghuhugutan ng sipag, tiyaga, at determinasyon kundi sarili mo. Walang deduction sa late o absences dahil ang usapan lang lagi ay kung may natapos ka o wala. Piece work wage. Walang mga palusot na kailangan dahil wala ring mga palusot na uubra. Wala kang ibang hahagupitin kundi sarili mo, at walang ibang hahagupit sa'yo kundi ikaw. Lahat, self-service.
Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Pag binisita ka ng idea, gana, o inspirasyon kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon. Walang "sandali lang" o "teka muna." Dahil pag lumagpas ang maikling panahong yon, kahit mag-umpog ka ng ulo sa pader mahihirapan ka ng maghabol.
Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Doble ang hirap sa trabaho kung masakit ang ulo mo dahil ulo mismo ang kailangan mo sa trabaho at hindi rin pwede lunurin sa trabaho ang mga naiisip mong problema sa buhay dahil ang mag-isip ang mismong trabaho mo.
HIndi para sa tamad ang pagsusulat. Mata lang ang kailangan ng pintor para malaman kung pangit o maganda ang produkto nya. Tenga lang ang sa musikero. Dila at ilong lang sa kusinero. At dalawang oras lang ang sa mamemelikula. Pero sa manunulat, kailangan nyang basahin ng paulit-ulit at intindihin ang mga naisulat nya para malaman kung nakakaantok, matabang, sintunado, o maputla ang naging resulta.
Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Araw-araw may shoot out ang manunulat at ang suki nyang demonyo. May general assembly ang iba't-ibang tao at pokemon sa loob ng ulo nya. At may riot ang mga prinsipyong nasungkit nya noong isang araw at yung mga pilosopiyang napulot nya nung mga nagdaang dekada. Lahat yan mangyayari habang pinipilit nyang maging mas matinong tao ngayon kesa kahapon. Tulad ng magsasakang nagtanim ng palay sa gitna ng gyera.
Hindi para sa tamad ang pagsusulat. Kaaway nya ang ingay, pero kalaban nya rin ang lungkot. Kaya nga nagtataka ako kung pano ko to naging trabaho. "

1 comment:
Para sa tamad ang pagsusulat. Meron ka na bang writer na nakatayo magtrabaho? Kung meron ay nagkakamali ka kc tumataya 'yon sa lotto. :)
Post a Comment