Monday, May 25, 2009

12 Killed as boat capsizes on way to Puerto Galera


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.

Overloading and tinuturong dahilan ng pagtaob ng nasabing ferry. Sa 42 katao na maximum capacity nito, 55 ang itinakdang sakay ng nasabing sasakyan nitong sabado. Marami sa mga biktimang namatay ay pawang mga bata na sa murang edad ay pinagkaitan na agad ng pagkakataong lumaki at abutin ang kanilang pangarap. Tsk tsk! Hindi ako nagkaroon ng oras para makita ang sakit sa mukha ng mga naiwan nilang pamilya at iba pang mahal sa buhay pero ang isiping nawalan ka, nawalan sila ay sapat na para maramdaman ko na unti-unti lumalatay din ang sakit na iyon sa puso ko. 12 katao ang kailangang mag buwis ng buhay dahil sa malaking kapabayaan at pagiging iresponsable ng mga taong namumuno sa ferry. Huwag tayong sumugal kapag buhay ang pinag uusapan dahil tulad ng buhay ng mga opisyal ng ferry na ito, may mga taong sumasaya dahil sa kanila..mga tao na lumuluha ngayon at umaasa na sana malagpasan din nila ng matiwasay ang alon na dulot ng sakit ng pagkawala.

No comments: